BLIND ITEM: Sikat na aktres napapraning sa sakit niyang AIDs

blind-item

BULUNG-BULUNGAN ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang isang talakerang aktres na nahaharap sa matinding pagsubok matapos dapuan ng nakamamatay na sakit mula sa pakikipagtalik sa lalaking kontaminado ng Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS.

Balitang nasa stage 4 na ang sakit nito na pinangangambahang lalo pang lumala kapag hindi nasuportahan ng gamot ang kanyang papabagsak na katawan.

Huling isyu sa aktres na ito ang pagtataray sa isang sikat na aktor.

Ang karakter ng aktres na ito ay minsang hahangaan ng madla pero minsan naman ay kaiinisan.

Sikat na sikat ang aktres na ito noong panahong namamayagpag ang Regal Films dahil sa kanyang husay sa  drama gayundin ang husay sa komedya na pumatok nang husto sa mga takilya.

Minsan namataan itong naglalakad sa may bahagi ng Avenida Rizal patungong San Lazaro Hospital na nakatalukbong ng shawl ang mukha habang may isang  kasama na umaalalay sa kanya.

Kailan lamang namatay ang kanyang kinikilalang ama sa showbiz.

Ang masakit nito halos maubos na rin daw ang kanyang savings sa pagpapagamot at mabuti na lang dahil nandyan ang kanyang dalawang malapit na kaibigan na may bagong noontime show at mayamang tv host, aligaga rin sa kanya si Mother Lily  Monteverde para madugtungan ang buhay.

Si Mother Lily ang tumayo niyang ina-inahan noong panahon ng kanyang kasikatan.

Diumano sa isang foreigner nakuha ng aktres ang sakit noong 2002 pagkatapos ng kanyang relasyon sa isang aktor na dating asawa ng sikat na politiko.

Patuloy na sinusuri ang kanyang kalagayan sa San Lazaro at diumano nakitaan na ito ng kakaibang senyales ng sakit gaya ng mabilis na pagkairita na kung minsan ay mapagkakamalan  nang ‘napapraning” na.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply