Bobcats napaso sa Heat

heat

SUMIKWAT ng 31 puntos si basketball superstar LeBron James upang pasuin ng Miami Heat ang Charlotte Bobcats, 99-94 kanina sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Sinahugan pa ni three-time MVP James ng tig walong rebounds at assists upang ilista ng Heat ang 31-14 panalo-talo karta at manatiling nasa tuktok ng Eastern Conference.

Lamang ang Bobcats, 72-69 may 9:25 minuto pa ang nalalabing oras sa fourth canto subalit lumiyab ng 14-2 run ang Miami kung saan ang anim na puntos ay galing kay James upang maagaw muli ng Heat ang abante, 74-83 may 4:59 na lang sa orasan.

Nakadikit pa ang Charlotte matapos kalmutin ni Ramon Session ang dalawang free throws para tapyasin sa dalawa ang lamang ng Heat, 87-89 may 1:38 minuto sa final canto.

Kinalkag naman ni Chris Bosh ang bola mula sa pasa ni James para maging apat muli ang lamang ng Heat.

Nag-ambag si Bosh ng 23 puntos at apat na rebounds habang si Dwyane Wade ay kumamada ng 20 points, 12 boards at apat na assists para sa Heat.

Si Session nanguna sa scoring para sa Bobcats na may nilagak na 18 puntos habang si bench player Ben Gordon ay sumalo ng 16 pts. at apat na assists.

Sina James, Bosh at Wade ay kasama sa All-Star game na gaganapin sa Houston sa Pebrero 17.

Si Heat coach Eric Spoelstra ang magdidesenyo ng plays para sa East team.

Sa ibang kaganapan, nagwagi ang New York Knicks sa Detroit Pistons, 99-85 habang nagwagi naman ang Oklahoma City Thunder sa Dallas Mavericks, 112-91.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply