BROKEN WINDOWS

trending ngayon

NAPAG-USAPAN namin ni Wilson Lee Flores ng Philippine Star ang aking paninirahan sa New York City pagka-graduate ko ng college at bago ako mag-law school.

Nagtatrabaho ako noon bilang apprentice sa Philippine mission sa United Nations. Umabot din ng ilang buwan ang pamamalagi ko roon.

Itinuturing ngayon ang NYC bilang isa sa malalaking siyudad sa buong mundo na pinakaligtas na manirahan. Pero ibang NYC ang aking dinatnan dati. Maraming insidente ng krimen sa mga lugar tulad ng Central Park, Harlem, at Brooklyn, at may lugar doon na drug haven na “Alphabet City” ang tawag.

Ang dating NYC ay may sitwasyon ng kriminalidad na katulad ng napapanood natin sa mga gangster movie na gawa sa Hollywood.

Siguro ay lalabas na pipitsugin lang si Vincent Vega – ang notoryus na karakter sa pelikulang Pulp Fiction ni Quentin Tarantino.

Malaki na ang ipinagbago ng NYC dahil sa panunungkulan ng dating mayor na si Rudy Giuliani. Sa ilalim ng termino ni Giuliani, nagsagawa siya ng mga reporma para sugpuin ang kriminalidad na ibinase niya lamang sa simpleng Broken Windows theory.

Unang lumitaw ang Broken Wi1ndows theory sa artikulong isinulat ng mga social scientist na sina James Q. Wilson at George L. Kellin noong 1982.

Lumalabas sa teorya nina Wilson at Kellin na may malaking epekto sa paglala ng sitwaston ng kriminalidad ang isang simpleng bandalismo tulad ng pagbasag sa salaming bintana ng isang gusali.

Ayon sa kanila: “Consider a building with a few broken windows. If the windows are not repaired, the tendency is for vandals to break a few more windows. Eventually, they may even break into the building…”

Sa pamumuno ni Giuliani, nanindigan siya na hulihin at tiyaking maparurusahan ang sinumang lumabag sa nilalaman ng kanilang mga batas, malaki man o maliit ang pagkakasala.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply