BULATE MAY PONDO SA CAVITE PERO SA ILLEGAL DRUGS WALA

burdado- jun brionesHABANG binabasa ang makapal na listahan ng Annual Investment Plan (AIP) sa probinsya ng Cavite para sa taong 2013, naagaw ang aking pansin sa tinatawag na “Vermi Culture” o ang pagpaparami ng malalaking bulate na nagpoprodyus ng “vermi compost” o isang uri ng “natural na abono.”

Ang “vermi culture”, parekoy, ay isa lang sa mga proyekto ng lalawigan sa hanay ng agri-kultura na may nakalaang milyones na pondo.

Wow, ha, pararamihin na ba talaga natin, Gov. Jonvic Remulla, ang pagkain sa Cavite?

Aba, okey ‘yan ah!

Pero sandali, sino ba ang kakain ng mga ‘yan kung unti-unting pinapatay ng mga adik ang ating mamamayan?

Natatandaan pa ba ninyo, parekoy, ang mga inosenteng sibilyan sa Kawit na pinagpapatay ng adik noong Enero?

Sino pa po, Gov. Remulla, ang kakain ng mga inabonohan ng “vermi compost” kung natataranta na ang taumbayan dahil sa magkakasunod na malalagim na krimen sa Cavite bunga ng iligal na droga?

At lalo namang wala nang ganang kumain ang mga adik na tulala na sa lakas ng “amats” ng iligal na droga!

Ibig kong sabihin, Gov. Remulla, habang isinusulong sana ang mga proyekto na pang-agrikultura, dapat ay kasabay rin ito ng mga operasyon na pipigil sa pagdami ng
iligal na droga sa Cavite!

Gayundin ang mga programang magtuturo sa kabataan kung paano layuan ang iligal na droga at kung paano makipagtulungan ang mamamayan sa pagsugpo ng iligal na droga!

Kaya ko ito nasabi, parekoy, sapagkat nang suriin ko ang P3, 081,549,755.00 na pondo ng Cavite para sa 2013 ay wala po akong nakitang kahit pisong duling na pondong nakalaan para sa “anti illegal drugs.”

Hindi ko sinasabi, parekoy, na pabor si Gov. Remulla na dumami at maglipana ang iligal na droga sa buong lalawigan.

Pero kung wala pong pondo na nakalaan para ito ay sugpuin, sa ayaw at sa gusto natin, isang araw ay maaaring magkabentahan na ng shabu kahit sa gilid ng Kapitolyo!

Kung ganyan rin lang na walang “specific” na pondong nakalaan kontra sa iligal na droga, aba, eh, alisin na lang ‘yang pondo sa Vermi Culture.

Hindi na po problema, Gov. Remulla, ang pagpaparami sa malalaking bulateng ‘yan.

Dalhin na lang sila sa libingan ng mga biktima ng droga . . . tiyak bundat sila! Huh! (May karugtong)


Leave a Reply

*
Yun ba itsura ni Bob Arum dapat pagkatiwalaan..Obl...
kadalasan hawak ng mga pulis yan snatcher kaya nga...
Masyadong mayabang talaga itong ABS CBN at ang mga...
Wag mabahala e wala ngang vaccine para dyan???...
aaay! hindi siya ang sumulat ng yakap, si george c...
NANGANGAMOY GIMIK YANG BENJAMIN ALVES-JENNILYN MER...
ANO BA YAN BEVERLY SALVIEJO, PATI BA NAMAN BAHO NG...
WHY CALLING ME BOBO? THERE ARE OTHER NEWS SITE LIK...
nyahahaha ay Tama si matuk hahahaha kita mo nang...
nyahahahahah kawawa ba ang kakaunti ang UTANG at m...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.