Bus, trike nagsalpukan, 2 tigok

crime9

AGAD na nasawi ang isang tricycle driver at isang pasahero nito makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang Partas bus sa national highway ng Barangay Gana, Caba, La Union kaninang madaling araw.

Nasawi ang driver ng tricycle na si Jervin Gonzales, 35, may asawa, at ang pasahero nito na si Noli Mapili, 45, binata, kapwa taga-Brgy. San Julian East, Aringay, La Union.

Kinilala naman ang driver ng Partas bus na si Robert Fontanilla, 46, residente ng Barangay Botobot Oeste, Balaoan, La Union.

Nabatid na umagaw ng linya ang traysikel sa linya ng bus sa kurbadang bahagi ng nasabing lugar kung kaya nasalpok ang minamaneho ni Gonzales.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay agad na nasawi si Gonzales habang mapalad namang walang nasaktan sa bus.

Samantala, hindi na umano magsasampa ng kaso ang pamilya ng dalawang biktima matapos maareglo sa pakikipagharap ng mga ito sa driver ng bus sa Caba Police Station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply