Calungsod commemorative P50 bills, ilalabas sa Abril

calungsod

INAASAHANG ngayong taon ay mailalabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang commemorative P50 bills kung saan nakalimbag ang imahe ni San Pedro Calungsod.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), gugunitain sa mga limited-edition bills ang canonization ni Calungsod, ang ikalawang Pinoy na santo, na naganap noong Oktubre.

Sinabi ni dating ambassador to the Vatican Henrieta de Villa, na siya ring chairperson ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at secretary general ng National Commission on the Canonization of Calungsod, posibleng bago sumapit ang araw ng kapistahan ni Calungsod sa Abril 2, pa mailabas ang commemorative P50 bills.

Paliwanag ni de Villa, marami pa kasing kinakailangang mga lagda dito kaya’t hindi ito kaagad na nai-release.

Nabatid na inaprubahan na rin ng Monetary Board ang pag-isyu ng commemorative medals upang parangalan ang pagiging santo ni Calungsod.

Matatandaang si Calungsod na isang batam-batang Catholic missionary ay nasawi noong Abril 2, 1672 sa Guam matapos na ipagtanggol ang kanyang kasamang pari laban sa mga katutubo.

Ganap siyang naging santo noong Oktubre 21, 2012 matapos ang kanyang kanonisasyon na pinamunuan mismo ni Pope Benedict XVI.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply