Carnapper, dakip; kasabwat na pulis wanted

busted

ARESTADO ang isang carnapper matapos maaktuhan tinatangay ang motorsiklo na nakaparada sa tapat ng isang computer shop kasama ang mekaniko at isang nagpakilalang pulis sa Sta.Mesa, Maynila kagabi.

Nakakulong ngayon sa detencion cell ng MPD-Anti Carnapping Unit ang suspek na si Jonjon dela Cruz, 36, ng 2202 Anonas St.,Sta. Mesa, Maynila.

Si dela Cruz ay sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 6539 (Anti-carnaping Law of 1979).

Ayon kay SPO1 Arlan Alba, naaresto ang suspek dakong alas 10:30 kagabi sa may harap ng kanyang bahay sa nasabi ding lugar.

Nauna rito, nakaparada umano ang tricycle ng biktimang si Melvin Naco, 26, sa tapat ng Kangaroo computer shop na pag-aari ng kanyang pinsan na si Barry Naco ganap na ala-1:00 kahapon nang bigla ng baklasin ng mga suspek ang katawan ng tricycle at hatakin ang motor nito na Rossi 2382 UA na kulay itim.

Matapos makita ni Barry ang insidente ay agad nitong ipinagbigay alam kay Melvin kung saan nagkaroon pa ng diskusyon.

Habang nagtatalo ay dumating naman ang isa pang suspek na nagpakilalang pulis na si PO1 Oliver Sanghel at iginigiit na kanilang pag-aari ang motor na nakakabit sa sidecar saka sinakyan ng pulis at mabilis na itinakbo.

Agad namang nagreport sa barangay ang biktima at inalarma ang PS8 kung saan nagsagawa agad ng follow up operation sa lugar na naaresto ang suspek at narekober din ang sasakyan.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at napag-alamang nadismis umano si PO1 Sanghel dahil sa ibat-ibang kaso.

Gayunman, ibeberipika pa ng pulisya ang tunay na pagkakilanlan ng naturang pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply