Center island sinuwag ng kotse sa QC, 1 todas, 3 sugatan

accident

LAGAS ang isa habang tatlo naman ang sugatan kabilang ang isang sanggol nang suwagin ng isang kotse ang center island sa Quezon City kaninang madaling araw (Pebrero 2).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Glenn Jayawan, pasahero sa Toyota Corolla Sedan na may plakang (UTM-659) na nasangkot sa aksidente.

Sugatan naman at isunugod sa World City Medical Center (WCMC) ang drayber ng naturang kotse na isang nagngangalang Rex Tandoc habang dalawa pang sakay nito kabilang ang tatlong buwan na sanggol ang nasaktan din.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 12:35 ng madaling araw sa isang center island malapit sa Katipunan fly over.

Ayon sa nakasaksi, bago ito ay mabilis ang pagtakbo ng naturang kotse at malamang na hindi napansin ni Tandoc na may center island pala siyang susuwagin.

Sa lakas ng pagkakabangga, nayuping maigi ang harapang bahagi ng kotse kaya naipit si Jawayan na nakaupo sa tabi ni Tandoc.

Inaalam naman ng pulisya kung lasing si Tandoc nang maganap ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply