Comelec pinagpapaliwanag ng Kamara sa palpak na PCOS machines

pcos-machine

PAGPAPALIWANAGIN ng Kamara ang mga opisyal ng Commission on Elections at Smartmatic matapos magkaroon ng ilang kapalpakan ang PCOS machines sa isinagawang mock elections nitong Sabado.

Sinabi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, na ipatatawag niya ang mga opisyal ng Comelec at Smartmatic sa isang pagdinig sa bukas (Martes o Miyerkules).

Hihingin ng kongresista na magsumite ang Comelec ng formal report kaugnay ng mga aberyang nakita sa mock elections.

Marapat lamang, aniya, na maipaliwanag sa Kamara ang mga problemang ito at kung ano ang ginagawa para agad itong masolusyunan.

Bagama’t hindi, aniya, naka-aalarma ang mga nakitang palpak sa PCOS machines ay kailangang magkaroon ng katiyakan ang publiko na magiging kapani-paniwala ang resulta ng eleksiyon.

Hindi, aniya, makabubuting implikasyon sa resulta ng eleksyon ang alinmang palpak na nakita kapag nabahiran ng pagdududa ang resulta ng halalan at aabot ang epekto nito hanggang sa ekonomiya ng bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply