DA Sec. Alcala kinasuhan sa Ombudsman

proceso-alcala1

KINASUHAN ng kriminal kanina sa  Office  of  the  Ombudsman  si Agriculture Secretary  Proceso  Alcala  ng  dating alkalde  ng Lucena  City dahil  sa pagpapalsipika sa  government  funds  sa   kanyang  Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong  kongresista  pa  ang  sekretaryo  simula  Hunyo 30, 2007 hanggang Hunyo  30, 2010.

Nabatid  sa 7  pahinang  reklamo ni  Ramon Y. Talaga, Jr. dating alkalde  ng  Lucena City  na  may  address  sa  1  Waling-Waling  Street,  Stephen  Compound,  Lucena  City, ipinagharap  niya ng  reklamo  si  Agriculture Sec. Alcala  dahil  sa  pandaraya  at pagpapalsipika  sa pamimigay  ng  pondo  ng gobyerno  mula sa kanyang  PDAF.

Ayon sa  reklamo  ni  Talaga, nitong  nakalipas  na  2008, naglaan  si Alcala ng P 3.5 milyong   mula sa  kanyang  PDAF noong kongresista  pa  ang  sekretaryo sa  2nd district  ng  Quezon Province  para  suportahan ang  proyekto   ng   isang organisasyon na   Sir  Pelagio  Alcantara  Development  (SPADE) Foundation , Inc.  na may   pamagat na “Proceso  sa Pag-asenso : Proyektong  Lingap-Kalinga  Para  sa  Kabuhayan ng Mga Piling  Magsasaka ng Ikalawang  Distrito  ng  Quezon.

Sinabi  pa  sa  reklamo  na  ang naturang  proyekto  ay magbibigay  ng  kabuhayan at pagtulong   sa mga mahihirap  na  pamilyang  magsasaka   sa   2nd  District  ng Quezon at    65 mahihirap  ng  pamilyang  magsasaka   ang naging benipisasyo  ng naturang proyekto  na  ipinagkaloob  nitong   nakalipas  na  Mayo 15, 2008.

Nabatid  pa sa  reklamo  ni Talaga  sa Ombudsman  na  ang 65  pamilyang magsasaka ay  pinagkalooban  ng   P 50,000  bawat   isa  subalit  wala naman natanggap  na naturang halaga  ang mga  nasabing  magsasaka.

Natuklasan  ni Talaga  na  ang  mga  naging  benipisaryo  sa  PDAF  ni  Sec. Alcala  ay ang mga magsasaka  ng  La Union sa  Ilocos  ngunit  pineke  o  pinalsipika  ang mga pirma  ng mga naturang  magsasaka at  walang  natanggap na  pondo  ang naturang magsasaka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply