DILAW + ROCKY = TONGPATS

bong_padua1

USAP-USAPAN ang ‘lumalagong iligal na negosyo’ ng isang ‘Col. Pagador’ at ang kanyang tusong bata na tumutugon sa pangalan na ‘Rocky’.

Aba, eh, mistulang nakahukay pala ng baul ng kayamanan si Rocky at ang among si Col. Pagador na kilala rin sa tawag na Col. Dilaw.

Dahil, milyones ang kinikita kada-linggo ng kanilang negosyong ‘tong collection’ sa vices na nagkalat sa lungsod ni Mayor Bistek.

Hindi lang vicelords ang nagsusubi sa bulsa ng dalawang bida natin kundi pati pala sindikato ng bold shows, illegal terminal at pirated CDs.

Kung isalarawan nga ng mga police insider natin sina Col. Dilaw at  Rocky ay ganito: Dilaw + Rocky = million tongpats. Langya!

Para siguro makarinig ang sambayanan ng magandang balita tungkol sa kapulisan ay kailangang kumilos naman si Dir. Gen. Alan Purisima.

Pahuli lang niya sina Pagador at Rocky, aba’y tiyak na makababangon ang PNP sa mga maaanghang na ulat tungkol sa Kapulisan.

Para ipaaresto mo ang isang colonel na pasimuno sa tong collection, nakuh, eh, siguradong headline ‘yan sa mga tabloid.

Pero, ewan natin kung magagawa yan ng butihing heneral. Subaybayan natin.

INALIS, TAPOS AY IBINALIK!

Kamakailan ay ipinangalandakan ni Sec. Mar Roxas ang pagkakasibak ng ilang opisyal at pulis ng Region 4A, isa sa kanila si S/Supt. Rosauro Acio.

Ang dahilan ni Roxas kaya sinibak si Acio ay dahil sa lumalalang insidente ng krimen sa Batangas, partikular ang patayan.

Kaagad namang itinalaga si S/Supt. Dadulo na  kapalit ni Acio bilang provincial commander ng lalawigan ng Batangas.

Pero ilang araw lang ang nakalipas ay ibinalik si Acio sa kanyang puwesto.

Maraming opisyal ng Batangas ang nagtaka. Ang tanong nila eh, nabili na raw ba ni Acio ang puwesto? Kung sabagay, sila’y may punto.

Hindi pa nakukumpirma ng Chokepoint ang balita na iyan na ibinato sa atin. Pero kung ang ulat ay may katotohanan, masamang pangitain ‘yan.

Sana ay ‘di totoo ang balita na ito sa atin dahil kapag nagkataon, nakahihiya si Sec. Roxas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply