DOJ pinakikilos laban sa USS Guardian

uss-guardian-5

DUMULOG sa Department of Justice ang grupong Pamalakaya upang hilingin kay Justice Secretary Leila de Lima na gumawa ng legal na hakbang laban sa US navy officials at 79 na crew ng USS Guardian.

Sa 3 pahinang liham ng Pamalakaya kay de Lima na nilagdaan nina Fernando Hicap, vice chairperson ng Anakpawis partylist, Salvador France Vice chairperson Pamalakaya, at Pedro Gonzales chairperson ng Pamalakaya-Southern Tagalog, iginiit ng mga ito na dapat ding panagutin ang mga ahensya ng gobyerno na nagpahintulot na makabalik sa kanilang homeport sa Sasebo, Japan at makaligtas sa mga criminal liabilities.

Nakasaad pa sa liham na binalaan na ng Tubbataha Reef Management ang USS Guardian na huwag pumasok sa bahagi ng reef pero hindi umano ito pinakinggan at itinuloy pa rin nila ang pagdaan dito.

Dagdag pa ng grupo na dahil sa pangyayari, maaaring irekomenda ng DOJ ang pagbawi sa Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty sa Estados Unidos at pagpapa-full out ng US troops, warships at sasakyang panghimpapawid sa teritoryo ng Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply