Dyip sumalpok sa puno, 2, patay

dead

NAMATAY ang dalawang pasahero samantalang lima pa ang sugatan ng bumangga ang isang pampasaherong jeep sa isang malaking punong-kahoy sa barangay Noa, sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Kinilala ni Police Inspector Basilio Parcon, chief operations ng Magpet PNP ang dalawang namatay na sina Toto Canaan, 21, at Ronnie Abawan, pawang residente ng Barangay Basak, Magpet habang ang mga sugatan ay kinilalang sina Michael Asam,20, Marcela Tan, Mendoza Gay, at Jemard Camad.

Nabatid na patungo ang mahigit sa 30 pasahero sa beach resort sa Digos City para sa isang thanksgiving party ng maganap ang aksidente.

Sa salaysay ng driver na si Ronan Cabutake, ang kanilang double tire na sasakyan ay nawalan ng preno matapos masira ang propeller ng sasakyan hanggang sa ito ay bumangga sa isang malaking puno.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply