Dyip sumirko sa Antique, 12 katao sugatan

accident

TINATAYANG 12 katao ang sugatan kabilang ang dalawang kritikal makaraang tumaob isang pribadong jeep sa Brgy. Buwang, Pandan, Antique bandang alas-6:00 kaninang umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Arnaldo Daroy, 71, driver ng jeep; at mga pasahero nitong pawang magkakamag-anak na sina Joseph Panagsagan, 44; Geraldine Panagsagan, 39; Felisa Tabas, 63; Irene Daroy, 29; Dioscorro Belinario, 16; Jet Lee Rubias, 10; Joy Lee Rubias, 16; Regine Daroy, 37; Ella Daroy, 36; Jacqueline Daroy, 41 at Jun Mhar Daroy, 17.

Dinala ang dalawang kritikal sa Aklan Provincial Hospital dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at dibdib.

Nabatid na papunta sana sa piyesta ang naturang sasakyan sa Sebaste, Antique nang masiraan ng preno pagsapit sa kurbadang kalsada at tsaka sumirko at tumaob.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply