Edukasyon sa pananalapi, itinutulak ni Angara

sonny-angara-3

TURUAN ang mga Pinoy na mag-invest upang mapanatili ng Pilipinas ang magandang daloy ng ekonomiya.

Sinabi ni Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angara na kailangang magturo ang mga paaralan ng “financial literacy” o kaalaman pagdating sa pananalapi o pagpapalago ng pera nang sa gayun ay lalo pa aniyang aangat ang ekonomiya ng bansa.

Nito lamang 2012 ay tumaas ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 porsiyento, na maituturing na pinakamataas na paglago sa buong rehiyon ng Asya na ayon kay Angara ay malaki ang potensyal na tumaas pa kapag nabigyan lamang ng tamang pagtugon.

Si Angara na pumasok sa School of Economics (LSE) sa London, ang siyang awtor ng House Bill Number 490 na nagsusulong para sa financial education.

Aniya, “the failure of the higher education to institutionalize financial literacy has left Filipinos largely clueless on where to invest their money, as well as the many financial options available to them.”

Nakapaloob sa Financial Literacy Act na ang kalihim ng Department of Education ay may kapangyuarihan na magkaloob ng trainor o training people para sa financial education o

financial education courses.

Ang kagawaran din ang siyang magmo-monitor sa financial education program ng paaralan na tatagal ng 10 taon.

“Bigger things have yet to come under the Aquino administration but Congress has to do its share to help remedy some internal weaknesses of the economy such as the need to shore up capital formation,” sabi ni Angara.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply