Eleksyon ‘di maaapektuhan sa pagreretiro ng 2 komisyuner

WALANG magiging malaking epekto ang pagreretiro nina Commission on Elections (Comelec) Commissioners Rene Sarmiento at Armando Velasco sa paghahanda para sa darating na eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bagama’t nagtapos na ang 7-year term ng dalawang opisyal, nakatuon naman ang atensyon ng iba pang poll body officials sa darating na halalan.

Sinabi pa ni Valte, mayroon nang shortlist si Pangulong Noynoy Aquino sa maaaring pagpilian ng ipapalit kina Sarmiento at Velasco.

Umaasa naman ni Commissioner Chairman Sixto Brillantes, Jr. na kaagad mapupunan ang mababakanteng posisyon ng dalawang komisyuner.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply