ENVIRONMENTALIST DAW

ito-ang-totoo-colored

ENVIRONMENTALIST o makakalikasan ang postura ng karamihan sa mga kontra sa planong RP Energy Coal Power Plant sa kabilang ibayo ng Subic Bay ng Subic Freeport.

Ito ang Totoo: kahit sa Board ng SBMA na nangangasiwa sa Subic Freeport, may mga director na environmentalist kuno kaya komokontra sa planong Coal Power Plant.

Pangunahin dito si Director Philip Camara na astig talaga sa pagkontra, sukdulang kahit si Pangulong Noynoy Aquino ay sinusuwag niya.

Kahit ayon sa Dept. of Energy ay napipintong magkaroon ng power shortage sa bansa sa nalalapit na hinaharap  kung hindi maitatayo ang power plant ng RP Energy, kontra pa rin si Camara.

Kahit anong paliwanag na makabagong teknolohiya na ang gagamitin sa Coal Plant ng RP Energy para hindi makasira sa kalikasan, kontra pa rin itong si Camara.

Kahit pumasa sa pagsala ng Dept. of Environment & Natural Resources ang planong Coal Plant, kontra pa rin si Camara at talagang buong SBMA Board ay binubulabog niya maabala man lang kung hindi madiskaril ang proyekto.

Nakabibilib sana dahil environmentalist  daw, di ba?

Pero, environmentalist nga ba si Camara?

Kung environmentalist siya, bakit wala siyang imik nang sinalaula ng Glenn Defense ang karagatan ng Subic Bay sa pagtatapon umano ng dumi ng tao kamakailan lang?

Dahil ba kaibigan niya na nasa SBMA board din ang tagapagtanggol nito?

Bakit wala ring imik si Camara nang tumagas ang langis sa Dinalupihan, Bataan nang pumutok sa bahaging iyon ang Subic-Clark Pipeline ng kompanyang Coastal na pinanggalingan rin ng naturang SBMA director na kasama niya ngayong kontra sa RP Energy?

Eto pa: Environmetalist ba ang gumagamit ng “Big Bike,” All Terrain Vehicle (ATV) at Sports Utility Vehicle (SUV) na maingay na at malakas sa gas ay nagpapakawala pa ng lason sa hangin ng higit sa pangkaraniwang sasakyan?

Kanya-kanyang paninindigan lang kaya tama lang na irespeto kung nasaan ang bawat isa.

Ang hindi maganda ay kung ang pagkontra ay naging obsesyon na at ang motibo ay kahina-hinala. Ito ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply