Epileptic nalunod sa irigasyon sa Aklan, todas

drowned (3)

NALUNOD ang isang lalaking epileptic matapos sumpungin ng kanyang sakit at mahulog sa irigasyon sa Aklan nitong Lunes ng hapon (Pebrero 4).

Bangkay na nang matagpuan ang biktimang si Billy Reyes, 43-anyos, binata at residente ng Barangay Aglucay, Makato, Aklan.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima kaninang umaga (Pebrero 5) na palutang-lutang sa isang irgasyon sa Barangay Cayangwan, Makato Aklan.

Sa imbestigasyon ng Makato PNP, bago ang insidente, ay pauwi na ang biktima pero habang naglalakad ay  sinumpong ng kanyang sakit at nahulog sa naturang irigasyon.

Ayon sa may kakila kay Reyes,  palaging dumadaan sa nasabing irigasyon ang biktima kapag umuuwi sa kanilang bahay.

Paniwala naman ng pulisya na walang nakapansin sa biktima nang mahulog ito kaya  hindi ito nailigtas sa kamatayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply