Establisimyento sa Clark, nadadaluyan na ng malinis na tubig

clark-water-corp

TIYAK na may malinis at sapat na suplay na tubig na ang mga taga Clark, Zambales.

Ito ay makaraang maglagay ng water connection ang water and wastewater services provider Clark Water Corporation sa 59 dagdag na bagong water service connections noong 2012  sa  Clark Freeport Zone at Clark Special Economic Zone Pampanga .

Bunsod nito, umaabot sa 1,921 kabuuang bilang ng service connections ang nailagay nitong katapusan ng  2012. Sa naturang bilang 560 ay commercial offices, 120 ay industrial at 174 ay mga government institutions habang  1,067 ay residential establishments.

Ang hakbang ay bahagi ng programa ng kumpanya na suportahan ang dumadaming negosyo at turismo sa lugar.

Noong 2012,ang naturang kumpanya ay nagtaas ng may 35 million liters ng tubig ang naisusuplay  sa mga water consumers sa nabanggit na lugar.

Ang Clark Water Corporation, subsidiary ng Metro Manila’s East Zone water concessionaire Manila Water ay binuo upang mabigyan ng malinis at sapat na suplay ng tubig ang mga nakatira sa naturang lugar hanggang taong 2025.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply