Ginang pinagnakawan na, binoga pa, todas

crime

SABOG ang ulo ng isang ginang nang pagbabarilin ng mga magnanakaw nitong Biyernes ng hapon (Pebrero 1) sa Quezon City.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng kalibre 38 sa ulo at sa kanang braso at namatay noon din ang biktimang si Maria Alena Baladad, 49-anyos, residente ng Mother Ignacia St., Barangay Paligsahan.

Blangko pa ang Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit  (QCPD-CIDU), sa kung sino ang mga salarin at naghahanap pa ng mga ebidensya para matukoy ang mga nasa likod ng krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 3:15 nitong Biyernes ng hapon sa mismong bahay ng biktima.

Ayon sa pamangkin ni Baladad na hindi nakuha ang pangalan, nagtaka siya nang mapansing bukas ang gate at pati ang pintuan ng bahay ng kanyang auntie nang dumating siya sa bahay nito mula sa eskuwelahan pasado alas 3 ng hapon.

Bukod pa rito, nakita rin niyang wala sa lugar ang mga kagamitan sa loob ng bahay kaya bigla siyang kinutuban at hinahanap ang kanyang tiyahin.

Natagpuan niya itong naliligo sa sariling dugo at nakadapa sa loob ng kanilang bodega na ang pintuan ay bahagya rin na nakabukas.

Nadiskubre rin na nawawala ang laptop computer, na may halagang P26, 200  closed-circuit TV recorder at P600 cash ng biktima.

Narekober din ang ginamit na baril sa krimen na may limang bala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply