Gun ban violators umakyat na sa 400

gun-ban-1

UMAKYAT na sa mahigit 400 ang bilang ng mga lumabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 13 midterm elections.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) sa Comelec, nabatid na hanggang noong Enero 31, 2013 ay umaabot na sa 403 ang bilang ng mga taong naaresto dahil sa paglabag sa gun ban ban.

Sa naturang bilang, pito ang miyembro ng Philippine National Police (PNP), 355 ang sibilyan, pito ang government officials, 28 ang security guards at isa ang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).

Umaabot naman sa 355 ang kabuuang bilang ng iba’t ibang uri ng armas na nakumpiska ng PNP, lima ang Airgun/Airsoft Gun/Firearms Replicas, 98 na bladed weapons at 1,808 na ammunitions.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply