Hawks kinatay ng Bulls

bulls

WALA ang tatlong starters ng Chicago Bulls subalit nagawa pa rin nilang suwagin ang Atlanta Hawks, 93-76 kaninang umaga sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Hindi nakapaglaro sina Bulls guard Kirk Hinrich, center Joakim Noah at forward Carlos Boozer subalit pinasan naman ito nina Nate Robinson, Taj Gibson at Luol Deng upang ilista ang 28-18 win-loss slate ng Chicago.

Bumira si Bull forward Deng ng 25 puntos at 14 rebounds, 20 points at eight assists naman ang kinana ni guard Robinson habang si center Gibson ay bumanat ng 19 pts. at 19 boards.

Kontrolado ng Bulls ang apat na period at sa third canto sila umalagwa, 69-60.

Sina Josh Smith, Jeff Teague at Al Horford ang bumira naman sa opensa para sa Hawks.

Tumikada si Smith ng 19 pts. at 13 rebounds, 16 puntos at apat na assists naman ang inambag ni Teague habang 14 points at 12 boards ang sinalin ni Horford.

Nagkaroon ng infection si Hinrich sa kanang siko at inaasahang aabutin ito ng isang linggo bago makalaro.

May plantar fascitis sa kanang paa si Noah habang si Boozer ay may right hamstring injury.

Samantala, lumabas si Teague sa first quarter dahil sa hip contusion subalit bumalik agad ito sa second period.

Naka-uniporme naman si Hawk guard Devin Harris subalit hindi ito naglaro dahil din sa injury.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply