Heat naupos sa Pacers

heat

PINATUNAYAN ng Indiana Pacers na hindi tsamba ang pagkakapanalo nila sa defending champion Miami Heat nakaraang buwan.

Kanina ay muling sumandal ang Pacers sa kanilang depensa upang tupukin ang Heat, 102-89 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

”We want to be dominant at home, and we’re getting there,” wika ni Pacer coach Frank Vogel. ”David West was spectacular. He has a way of giving us contagious confidence. He has that look that carries over to everyone else where we’re not going to lose tonight.”

Pumukol ng 30 puntos, pitong rebounds at limang assists si West upang itarak ang 28-19 win-loss slate at makisalo sa Brooklyn Nets sa fourth to fifth spot sa Eastern Conference.

”It’s good to beat them, but we can’t overreact to this,” anang West. ”We match up with them. I think we’ve got some familiarity with them because of the playoff series. But they’re a tough team. They’re going to adjust the next time we see them.”

Nakakuha ng tulong si West sa opensa kina Lance Stephenson at Paul George habang si bench player ay nakapag-ambag din.

Tumikada sina Stephenson at George ng tig 15 puntos.

Kumalabaw ng 28 pts., anim na rebounds at tatlong assists si three-time MVP James subalit kinapos pa rin ang Heat.

May 17 puntos, anim na boards at limang assists naman si Dwyane Wade habang 13 ang inambag ni Chris Bosh.

Samantala, nangibabaw ang New York knics sa Milwaukee Bucks, 96-86, habang kinaldag ng   Toronto Raptors ang Los Angeles Clippers, 98-73.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply