Honorarium ng mga guro sa eleksyon pinadadagdagan

DAGDAG benepisyo sa mga guro na itatalaga sa eleksyon sa darating na Mayo.

Ito ang panawagan ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio dahil mahalaga ang gagampanang papel ng mga guro sa gitna ng PCOS glitches.

Kinalampag ni Tinio ang Commission on Elections na itaas ang  honoraria ng mga guro na magbibigay ng serbisyo sa election.

Panawagan ito matapos mabunyag sa isinagawang mock election ng COMELEC na marami ang posibleng kapalpakan na mangyari sa paggamit ng PCOS machines.

“While Chairman Sixto Brillantes claims these are minor and will be ironed out by Election Day, experience in the previous automated election shows that such glitches are inevitable. When all is said and done, the success of elections always depends on the teachers who operate the machines and take the appropriate steps when problems arise.”

Kabilang sa mga nakitang palpak sa PCOS machines na ginamit sa mock elections na galling sa Venezuelan firm Smartmatic ay ang kabagalan o ayaw mag-start, hindi tinatanggap ang balota, hindi nag-transmit ng resulta maliban pa aniya sa nakalilitong voters’ list.

Ayon kay Tinio may 228,000 public school teachers ang ipakakalat bilang mga Boards of Election Inspectors sa may 79,000 clustered voting precincts sa buong bansa.

Tinatayang 48 milyong rehistradong botante ang inaasahang boboto ngayong eleksyon.

Banggit pa ni Tinio na ang benepisyong P4,000 bawat guro sa tuwing eleksyon ay hindi na naitaas noon pang 2004 bagama’t patuloy ang panawagan na dagdagan ito ng P2,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply