I DO, I DO – ARAW NG PAG-IBIG HANDOG NG PAGIBIG FUND LIBRENG KASAL, LIBRENG SINGSING!

hilda ong

SA Araw ng mga Puso, sagot ng PAGIBIG FUND ang kasal ng daan-daang PAG-IBIG members na nagmamahalan. Ito ay isang paalala na ang bawat isang kumikita ng isang libong piso ay dapat na PagIbig Member.

Ihihahandog ng PagIbig Fund ang isang LIBRENG KA-SALAN LIBRENG SINGSING sa daan-daang nagmamahalan!

Pagtataling Puso at ang Pagbibigkas ng mga katagang I Do, I Do! Bilang simbolo ng wagas
na pagmamahalan.

Ito ay para sa mga nagmamahalan na matagal ng nagpaplanong magpakasal o sa mga nagsasama na pero walang basbas ng matrimonyo dahil sa kawalan ng pera upang magamit sa pagpapakasal.

Maaari ring mag “Renewal of Vow” sa mga gustong magpakasal muli sa araw ng mga Puso!

Sasagutin ng Pag-Ibig ang kasal, libreng singsing pati na ang reception para sa kaanib ng Pag-Ibig Fund na nagmamahalan.

Inihahandog din ng Pag-Ibig ang isang raffle sa mismong araw ng kasalan, February 14, 2012 Pag-Ibig Day).

Ang mga couple na makapag-invite ng tatlong bagong miyembro para maging kaanib ng Pag-Ibig Fund. Sila’y makasasali sa raffle para magkaroon ng pagkakataon na manalo ng “House and Lot” mula sa Pag-Ibig Fund.

Sa mga Pag-Ibig member na nais lumahok sa magandang oportunidad na ito, kailangang magparehistro ng kanilang pangalan at Pag-Ibig MID number.

Para sa karagdagang impormasyon, makinig sa “Health & Travel @ Serbisyo Publiko with Dr. Hilda Ong” sa DWBL 1242 kHz, Monday to Friday, 9:00 – 10:00AM at sa DWDD 1134kHz, Saturday & Sunday, 2:00 – 3:00PM.

I DO,  I DO –  ARAW NG PAG-IBIG February 11, 2013 ang huling araw ng registration!

SA PAG-IBIG ANG PINAGHIRAPAN AT PAGMAMAHALAN, MAY KATUPARAN!  Tawag na! sa 724-4244 o mag-email sa publicaffairs @pag-ibigfund.gov.ph

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply