Isa sa nanloob sa Western Union nadakip na

crime7

NAARESTO na ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Parañaque Police ang isa sa anim na suspek na nanloob sa isang sangay ng Western Union sa isinagawang operasyon sa Bacoor Cavite kanina lamang.

Kinilala ni NCRPO Director Chief Supt. Leonardo Espina ang naaresto na si Melvin Labastina, 32, ng Bacoor, Cavite.

Ayon sa pulisya, natukoy ang pagkakakilanlan kay Labastina makaraang maituro ng dalawang saksi sa krimen kabilang na ang security guard ng Western Union ang ginamit na motorsiklong Suzuki na may plakang WQ-3132 sa pagtakas.

Agad na nakipag-ugnayan ang pulisya sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) kung saan nagresulta ito sa pagkakatukoy sa tinitirhan ng suspect sa Bacoor, Cavite.

Positibo namang kinilala ni Emerlito Diaz, 46, security guard ng nasabing etablisimiyento ang suspek na kabilang sa anim na sumalakay sa kanilang branch noong Martes ng umaga at natangay ang P60,000 cash at ang kanyang .9mm na baril.

Bukod pa rito, nakilala rin ang suspek na na isa rin nakipagbarilan sa mga rumespondeng pulis habang ang mga ito ay papatakas.

Kasalukuyan naman sumasailalim sa masusing interogasyon ang nasabing suspek upang maituro ang ilang pang kasamahan nito.

Samantala nakatakda namang sampahan ng kasong robbery si Labastina sa Paranaque Prosecutor’s Office habang nakapiit sa detention cell ng Paranaque Police.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply