Kalaban ni Annabelle Rama sa Cebu may tulog

annabelle-rama

Na-interbiyu three days ago ng TV Patrol para sa Kampanya Serye ang tumatakbong Congressman sa Cebu na si Annabelle Rama at ayon pa rito, hindi na raw siya bago pa sa mundo ng pulitika dahil galing ang angkan niya rito.

Masaya si Bisaya dahil marami na siyang followers na kapwa niya Cebuano na lahat sila ay nagsasabing iboboto nila ang kanilang manok. Sa tanong na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo kaya’t papano siya gagawa ng batas sakaling palarin siyang manalo at maluklok bilang Congresswoman ng Cebu, prangkang sinabi ni tita Annabelle sa kaharap na reporter na hindi naman lahat ng politicians ay marunong gumawa ng batas kundi may mga adviser sila para maisulong ang mga ito.

Sa parte raw niya ay may dalawa na siyang kamag-anak na parehong abogado na tutulong sa kanya at tututok para sa kanyang political career. At ‘yung sinasabing mahigpit niyang kalaban sa Cebu ngayong darating na May 2013 election na si Cong. Raul del Mar, may patutsada sa kanya si Bisaya na puro pagsulong na lang daw ng batas sa kongreso ang alam nitong gawin pero wala naman raw nagawa para sa kanilang bayan sa North District ng Cebu. Aba! Kung ganon ay may tulog pala kay tita Annabelle ang kanyang kalaban sa pagka kongresista.

Si Rama ay tumatakbo sa ilalim ng political party ni rating Presidente Erap Estrada. Well, tita Annabelle, fight for your goal gyud!

***

Fantaserye Ni Coco Martin Na Juan Dela Cruz, May Special Screening Tonight Sa SM Megamall Cinema 10 Special project ng presidente ng ABS-CBN na si Ma’am Charo Santos at unit head na si Sir Deo Edrinal ang pinakabago at pinakamalaking fantaserye ng 2013 na Juan dela Cruz na pinagbibidahan ng Prinsepe ng Teleserye na si Coco Martin.

Isa ang seryeng ito sa binigyan ng malaking budget ng ABS-CBN dahil naniniwala sila na kakagatin ng mga televiewers, especially ng mga kabataan, ang nasabing project.

Kaya naman si Coco, kasama ng kanyang mga co-stars sa pangunguna ng kanyang magandang leading-lady na si Erich Gonzales ay itinodo ng lahat ang galing sa pag-arte at sa mga fighting scenes na first time lang niyang nagawa sa kanyang career.

Yes, hindi na ininda ng actor ang pagod at pag-collapse sa sobrang hirap ng mga stunts na kanyang ginawa sa Juan dela Cruz lalo na sa pakikipaglaban sa angkan ng mga aswang na pinaghaharian nina Laura, ang reyna ng mga aswang na ginagampanan ni Zsa Zsa Padilla at Albert Martinez bilang si Samuel ang hari ng mga aswang na tunay na ama ni Coco sa serye.

Hindi lang hitik sa mga maaksiyong eksena ang Juan dela Cruz kundi sinamahan rin ito ng drama at love story kung saan pakikiligin kayo mismo nina Coco at Erich. Sa laki ng project, bongga rin ang mga inihandang sorpresa rito ng ABS-CBN at ng DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELEVISION ni Sir Deo. Inumpisahan ito sa In The Making of Juan dela Cruz na produced ng Matanglawin Team hosted by Kim Atienza na ipinalabas last Friday sa Kapamilya network. Susundan naman ‘yan ng magarbong Special Screening na gaganapin naman tonight at 6 pm sa SM Megamall Cinema 10. Kinabukasan Feb. 3 ay dadayo naman sa Market Market riyan sa Taguig ang buong cast na pangungunahan syem- pre nina Coco at Erich para sa handog nilang mall show sa kanilang mga fans.

Ang final surprise ay ang mapano- nood na ng lahat ang pilot episode ng Juan dela Cruz, ang bagong Hero ng buhay mo, sa darating na Lunes, Peb- rero 4 pagkatapos ng TV Patrol. Kaya’t atin ng subaybayan gabi-gabi si Juan sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay at kagitingang ipakikita sa nasabing serye.

Part rin ng cast sina Ms. Gina Pareno, Joel Torre, Lotlot de Leon, Aaron Villaflor, William Lorenzo, Neil Co- leta, Louise Abuel John Medina at may special participation naman si Mylene Dizon na gumaganap bilang nanay ni Juan. This is directed by Malu Sevilla and Avel Sunpongco.

Watch na mo, gyud!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply