Kampanya vs jueteng, palalakasin ng PNP

jueteng

DAHIL nakatutok pa ang pansin sa nalalapit na election, tiniyak naman ng Phililppine National Police (PNP) na mas palalakasin pa nila ang kampanya laban sa jueteng at iba pang iligal na sugal sa bansa pagkatapos ng midterms polls sa Mayo.

Aminado si PNP chief Director General Alan Purisima na hindi sila makapagkasa ng pagsalakay sa ilang lugar na may operasyon ang jueteng sapagkat isinasangkalan ng mga jueteng operators ang  small town lottery (STL) bilang front ng kanilang illegal operations.

“After the elections, we will focus our campaign against illegal gambling. By that time, the licenses and contracts of STL operators would have expired,” pahayag ni Purisima.

Matapos mapaso ang STL licenses, sinabi ni Purisima na maari nang magkasa ang mga police operatives ng anti-jueteng raids nang walang takot na makasuhan ng kriminal.

Ikinalungkot ng PNP chief ang umiiral na National Police Commission (Napolcom) resolution na pumupigil sa kapulisan na magkasa ng pagsalakay sa mga STL outlets nang walang permiso mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sa mga  STL operator.

Inaprubahan, aniya, ang resolusyon noon pang 2008.

Gayunman, nilinaw ni Purisima na kung may bagong polisiya ang gobyerno hinggil sa illegal gambling, ipatutupad ito ng PNP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply