Kaso ni Gwen Garcia dedesisyunan na ng CA

court-of-appeals

HINDI na magpapalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals para pigilin pansamantala ang 6 month preventive suspension order laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

Sa halip, sinabi ng CA 12th Division sa kanilang tatlong-pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Vicente Veloso, na didiretso na lamang sila sa pagdedesisyon sa merito ng kaso.

Iginiit ng CA na mismong ang petitioner na si Garcia ang nagsabi na inaabandona na nito ang kanilang kahilingan para sa TRO na tatagal lamang ng 60 araw at sa halip ay tututok na lamang sa kanilang kahilingan na magpalabas ang korte ng preliminary injunction laban sa suspension order.

Pinagbigyan rin ng CA ang mosyon ni Garcia na makapaghain ng reply sa inihaing komento ng Malakanyang.

Una ng iginiit ni Garcia sa petisyon na nilabag ng Malakanyang ang kanyang right to due process ng patawan siya ng suspension sa isang kaso na nag-ugat noon pang 2010 at iginiit na policitally motivated ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply