Kelot arestado sa panghihimas sa dalaga

SWAK sa kulungan ang isang kelot matapos aktong mahuli ng tiyahin ng dalaga na tinangkang pagsamantalahan ang biktima habang natutulog kaninang madaling araw sa Navotas City.

Kinilala ang suspek na si Welson Laderas y Benidicto, 23, binata ng V. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Ayon sa ulat, dakong ala 1:00 kaninang madaling araw ng pagtangkaan ng suspek na halayin ang biktima na itinago sa pangalang Maricel, 20,  waitress, ng Tangos.

Base sa reklamo ni Edralyn Valentino, tiyahin ng biktima, sa tanggapan ng Women & Children Protection Desk ng Navotas pulis, huli sa akto na pinaghihimas ng suspek ang maseselang bahagi habang natutulog ang kanyang pamangkin.

Dahil dito, agad inireklamo sa barangay ang biktima na sinamahan ng tiyahin na agad tumugon ang mga barangay tanod sa pangunguna ni Eduardo Dacillo at inimbitahan ang suspek at dinala sa presinto.

Sinampahan ng kasong acts of lasciviouness ang suspek sa piskalya ng Navotas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply