Kelot binoga, dedo

crime-gun

LAOAG CITY – Matapos makipaglamay, isang lalaki ngayon ang pinaglalamayan nang barilin ito ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Barangay 1, San Nicolas, Ilocos Norte, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na agad na namatay sa pinangyarihan ng krimen ay nakilalalng si Edison Domingo, 30, ng Barangay 8, San Nicolas, sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng San Nicolas Philippine National Police (PNP) nakipaglamay ang biktima sa isang kaibigan na nakilalang si Sonny Mamaclay.

Ayon sa pulis, bago umuwi ang biktima ay dumaan muna ito sa isang convenience store para bumili ng beer.

Ayon sa mga nakasaksi, hindi pa naiinom ni Domingo ang kanyang binilang beer ng biglang huminto ang isang motorsiklo na lulan ng dalawang suspek at walang sabi-sabi itong pinagbabaril ng isa.

Sa crime scene, nakarekober ang lokal na Scene of the Crime Operations (SOCO) ng mga ilang basyo ng bala ng super .38 pistol.

Sa kasalukuyan, patuloy ang follow-up investigation ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply