Kelot inatado, natagpuang patay sa tulay sa GenSan

crime11

HINIHINALANG itinapon sa ilalim ng tulay ang bangkay ng isang lalaki na tadtad ng saksak sa General Santos City, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin nakikilala ang biktimang na nakasuot ng pulang damit, maong na long pants, nasa 5’3 ang taas, kulot ang buhok at may tattoo sa kanang bahagi ng kanyang braso na nakasulat ang ‘yata’.

Ayon kay SPO3 Rex Diongon, imbestigador ng Police Station 2, wala nang buhay ang biktima nang ito’y matagpuan ng isang alyas Jun-Jun na nasa ilalim ng tulay. Lumalabas na ito’y may mga tama ng labinglimang saksak sa kanyang dibdib habang  limamput tatlong saksak naman sa kanyang likuran.

Hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang pulisya at ang pagkakilanlan ng biktima habang blangko rin ang awtoridad kung sino ang mga salarin at ang motibo ng krimen na posibleng may mabigat na dahilan ang mga suspek dahil sa dami ng mga saksak sa katawan ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply