Kelot kulong sa panggagahasa

crime7

VILLASIS, Pangasinan – Isang 21 anyos na lalaki ang humihimas ngayon ng malamig na rehas matapos nitong gahasain ang dalawang kabataang babae sa bayan ng Villasis, lalawigan ng Pangasinan, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay nakilalang si Laurence Delfin, ng Barangay Puelay, Villasis, sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Villasis Philippine National Police (PNP), bago maganap ang insidente, niyakag umano ni Delfin ang dalawang biktima na sina Anna, 15,  at Marie, 18, (hindi tunay na pangalan), para mag-inuman sa isang lugar sa Barangay Puelay.

Nang malasing umano ang mga biktima, ay agad nitong pinagsamantalahan ang dalawang biktima.

Sa Villasis police station, positibong itinuro si Delfin na siyang gumahasa sa kanila.

Sa salaysay ng mga biktima pilit nilang lumaban pero wala silang sapat na lakas para pigilan si Delfin sa kanyang hayok na hangarin dahil sila ay naka-inom.

Sinampahan ngayon ng kasong double rape ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply