Kelot todas sa kaalitan sa Baseco, Compound

crime

HINALA ng pulisya na niresbakan ng dating kaalitan ang isang 25-anyos na lalaki na pinagbabaril sa Baseco Compound sa Maynila kaninang madaling araw.

Nakilala ang nasawing biktima na si John Salonga ng Block 1, Dubai St., ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ng pulisya, pasado ala-una kaninang madaling araw nang maganap ang insidente sa lugar.

Lumalabas sa pagsisiyasat na kalibre .45 baril ang ginamit ng suspek sa krimen base na rin sa walong slugs ng bala na natagpuan sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad kaugnay ng insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply