Kim at Maja magkakabati pa kaya?

maja-kim

MAGKAKABATI pa kaya ang dating magkaibigan na sina Maja Salvador at Kim Chiu?

Medyo matagal na ring magkagalit ang dalawa mula nang maugnay si Maja kay Gerald Anderson, ex-boyfriend ni Kim.

Sina Maja at Kim ang lead stars sa isa sa pinakatinututukang teleserye ngayon sa ABS-CBN, ang “Ina, Kapatid, Anak”.

Wish nga ng beteranong aktor na si Eddie Gutierrez, ang gumaganap na lolo nina Kim at Maja sa naturang serye, na magkabati na ang dalawa.

Ayon kay Eddie G., kung may girian ang karakter nina na Maja (Margaux) at Kim (Celyn) sa istorya ng IKA ay talagang may awayan sa labas ng set ang dalawang dating mag-bestfriend.

“Hindi lang may awayan sa set, may awayin rin sa labas ng set. Pero siyempre gusto mo magkabati na sila para peace,” wika ng veteran actor sa isang interbyu.

Saan kaya hahatong ang sigalot ng dalawa?

Sa mga oras na ito, sina Gerald at Maja na kaya?

Ano sa palagay n’yo?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply