Komite na tututok sa SALN ng SC, PET officials itinatag

saln

BUMUO ng kumite ang Korte Suprema na tututok sa pag-review ng Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) ng mga empleyado ng Kataas-taasang Hukuman at Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sa 4-pahinang full court resolution na nilagdaan ni Clerk of Court Enriqueta Vidal, iniutos ng Korte Suprema ang paglikha sa Review and Compliance Comittee na susuri sa SALN forms ng mga empleyado nito at ng PET.

Si Vidal ang naatasan na maging chairperson ng komite, habang miyembro naman sina Eden Candelaria at Caridad Pabello.

Kasama sa susuriin ng komite ay kung naisumite ba ang SALN form sa tamang oras at kung kumpleto ang pagkakasagot sa form.

Ang paglikha sa komite ay alinsunod na rin sa Rule 8 ng Rules Implementing the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na inamyendahan ng Civil Service Commission noong February 1, 2006.

Bago ang paglikha sa nasabing lupon, ang Personnel Division ng Office of the Administrative Services ang gumaganap ng nasabing tungkulin dahil ito ang tagakalap ng lahat ng SALN form ng mga emplyeado ng Korte Suprema na isinusumite naman sa Civil Service Commission.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply