KULANG SA TSIKA

inton

SA MISA sa University of the Philippines noong Linggo, napakahalaga ng mensahe ni Monsignor.

Ang tema ay ang mga tungkulin daw ng isang Katoliko bilang isang binyagan ng kanyang piniling simbahan.

Na hindi lang nagsisimba ang isang tao para makinig ng salita ng Diyos kundi tungkulin din niya na ibahagi ang kanyang natutunan sa mga tao sa kanyang paligid.

Mas marami siyang makakwentuhan ng kanyang natutunan mas mabuti para sa kanyang simbahan.

Inamin ni Monsignor na daig ng Iglesia ni Cristo ang Simbahang Katolika sa isang mahalagang aspeto – at ito ang komunikasyon.

Kung isasalin natin sa simpleng salita, kulang sa tsika ang kanyang mga maninimba, ika nga ni Monsignor.

Kaya urgent ang misyon ng simbahan, sabi pa ni Monsi.

Urgent na mabigyang diin ang halaga ng komunikasyon para matupad ang mga layunin ng simbahan o ng kahit anong organisasyon.

Mahalagang bigyan natin ng saglit na pag-iisip ito.

Ang Pilipinas daw ang text capital ng mundo, kaya hindi dapat masabi na kulang tayo sa tsika o hindi dapat na masabi na hindi nag-level-up ang ating means of communication.

Pero hangga’t hindi ginagamit ang makabagong teknolohiya para maikalat ang mga mahahalagang impormasyon, wala rin.

Ito ang gustong ipaabot ng kolum natin ngayon.
Masasabi lamang na epektibo ang komunikasyon kung malinaw na naipaabot ang mensahe at ang mensaheng natanggap naman ay magiging rason para makapagbago ng isip, makapagbigay-linaw sa isang usapin, at maging daan para maabot ang tama at pakay na resulta.

Kung ang komunikasyon ay walang epekto, sayang lang.

Kung ang tsika ay walang silbi, wala rin.

Halimbawa, ang isang ina na akala ay araw-araw na nangangaral pero lumaki pa ring sutil ang anak, hindi epektibo ang komunikasyon kahit akala ay araw-araw itong naririnig sa bibig ng magulang.

Sa isang relasyon, araw-araw nagsasabihan ng pagmamahal, ang iba maya’t maya nagte-text ng kung ano-anong matatamis na salita, pero sa unang bugso ng pagsubok sa katatagan ng bawat isa, wala na.

Panahon na siguro para sukatin natin ang pagiging effective, o hindi kaya, ng mga paraan ng ating komunikasyon,  sa ating mga anak o ka-partner sa buhay, sa atin mang mga karelasyon, sa mga kapitbahay o mga kabarangay, sa mga ka-simbahan, mga empleyado
o mga amo at kung kani-kanino pa.

Minsan akala natin nasabi na natin ang nasa loob natin.

‘Yun pala hindi tayo naintindihan at alam natin na ang miscommunication ay pinagmumulan ng problema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply