Laman, sukat ng balota ipinarerebisa sa Comelec

neri-colmenares

IPINAREREBISA ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang nilalaman maging ang sukat ng mga balota na gagamitin sa darating na eleksyon.

Ito ay matapos magkaroon ng aberya sa isinagawang mock elections noong Sabado ang Commission on Elections.

Nangangamba ang kongresista na ang naging aberya sa PCOS machines noong Sabado ay siya ring naging aberya noong 2010 at tiyak na mauulit pa ito sa Mayo.

Kabilang sa mga naging aberya ay ang kabiguan ng makina na makapag-transmit ng balota, over votes at under votes ay hindi simpleng aberya lamang habang noong 2010 elections ay nahirapang magpasok ng balota sa machine ang Comelec ngayon naman ay posibleng dahil sa laki at kapal ng balota ang dahilan.

Hinikayat ni Colmenares ang Congressional Oversight Committee on Automated Elections (COCAES) na rebisahin ang nasabing mga problema lalo na ngayon na nadagdagan ng kada 1,000 botante bawat clustered precincts at ang mga aberya sa makina ay magdudulot ng delay na posibleng pagmulan ng pandaraya.

Nangangamba naman si House Deputy Deputy Minority Leader Milagros Magsaysay na ang nakitang aberya ang isangkalan upang maisagawa ang malawakang dayaan sa Mayo na sinang-ayunan din ni San Juan Rep. JV Ejercito.

Ngunit sa panig ni Aurora Rep. Sonny Angara ay hindi siya gaanong nangangamba sa mga nakitang problemang teknikal sa ginanap na mock elections at sinabing maaari naman itama ang minor errors dahil nangyari na rin ito sa mismong araw ng halalan noong 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply