Lasing na kelot nahulog, basag ang bungo

crime11

BASAG ang bungo ng isang lasing na construction worker matapos mahulog mula sa bubong ng pinagtatrabahuhang gusali kaninang umaga sa Balut, Tondo, Maynila.

Patay ang biktimang si William Lacbayo, 40-47, ng Hillcrest Village, Camarin, Caloocan City sanhi ng pagkakahulog mula sa bubong ng SEAFGEAR Sales Bldg.

Ayon sa report ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District Homicide Division, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 4:00 kaninang umaga sa harap ng nasabing gusali sa 160 Kaunlaran St., kanto ng Honorio Lopez Blvd., Balut, Tondo, Maynila.

Nabatid na nakipag-inuman ang biktima sa mga katrabaho nang matulog sa bubong ng nasabing gusali na isang buwan nang nirerenovate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply