Lim may tulog vs Erap sa Maynila – political analyst

lim-erap

MAY tulog pa si Manila Mayor Alfredo Lim laban sa katunggali nito sa pagkaalkalde ng lungsod ng Maynila na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ito ang inihayag ni political analyst Ed Malay sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan ngayong linggo.

Ayon kay Malay, hindi maitatanggi na umani ng malaking suporta si Erap sa mga taga-Maynila na lumamang nang milya-milya kay Lim.

Gayunman, matapos, aniya, ng paghahain ng certificate of candidacy ng dalawang alkalde ay tila lumamlam ang init ng mga sumusuporta sa dating pangulo.

Sa kabila naman, aniya, nito ay hindi pa rin nakasisiguro si Manila Mayor Lim dahil kahit na maliit na porsiyento ay nanatili ang kalamangan ng dating pangulo.

Aminado naman si Malay na mas magiging exciting ang halalan sa Maynila dahil kapwa popular at kontrobersiyal sina Lim at Estrada.

Malalaman na lamang anang political analyst ang kanilang pagkapanalo sa delivery votes at kung papaano nila tatrabahuhin at huhusayan ang kanilang campaign network.

Samantala, tutukan umano ng Manila Police District (MPD) sa darating na mid-term elections ang District 1 partikular na sa Baseco at Parola.

Sinabi ni MPD Director C/Supt. Alex Guttierez, sa kabila na hindi naman itinuturing na ‘hot spot’ ang Maynila, bibigyan ng espesyal na pagtrato ang nabanggit na lugar.

Nalaman na 40% ng botante sa Maynila ay nanggagaling sa Dist.1.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply