Lolo nabundol ng motorsiklo, dedo

crimedeath

PATAY ang isang 67-anyos na lolo nang tumilapon at mabagok ang ulo makaraang masalpok ng isang humaharurot na motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng C-6 Road kamakalawa ng umaga sa Taguig City.

Dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Paulino Pagaduan, residente ng 41B A. Reyes St., Purok 3 New Lower Bicutan sanhi ng grabeng pinsalang tinamo sa ulo at parte ng katawan.

Kusang loob naman na sumuko sa pulisya ang driver ng motorsiklong may plakang 4208 QD na si Cyril Comendador, 21, ng 231 Victory Hills Fortune, Marikina City pati na ang kanyang ka-angkas na si Eric Masangkay, 29 ng Gitnang Bayan, San Mateo, Rizal.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jerry Ricablanca ng Taguig Police Traffic Investigation Unit, tinatahak ni Comendador, sakay ng kanyang minamanehong motorsiklo ang northbound lane ng C-6 Road dakong alas-7:30 ng umaga nang mahagip ang tumatawid na biktima malapit sa barangay hall ng Lower Bicutan.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang matanda na naging sanhi ng pagtatamo niya ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ng pulisya si Comendador sa Taguig City Prosecutor’s Office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply