LP nagkukumahog na sa Cebu

toby tiangco

NASA ‘panic mode’ na diumano ang Liberal Party para sa nalalapit na malaking rally ng United Nationalist Alliance na gaganapin sa  Cebu.

Ayon kay United Nationalist Alliance (UNA) secretary-general Toby Tiangco mistulang nagkukumahog na ang LP at pinakikilos na ang makinarya upang ma-“neutralize” si Cebu Gov. Gwen Garcia at maparalisa ang unang malaking rally ng UNA sa Cebu.

“LP betrays its panic and desperation because of UNA’s decision to hold its proclamation rally in Cebu. As a result, they unwittingly drew attention to their repressive tactics,” ayon kay Tiangco.

Paliwanag ng mambabatas na ang ganitong aksyon ng LP ay indikasyon ng desperasyon at kahinaan ng LP kung saan nais na nitong pigilan si Garcia na maipatupad ang kanyang mandato bilang gobernador at ma-organisa ang proclamation rally ng koalisyon sa Cebu.

Tinawag ni Tiangco na “Salisi Gang” ang estratehiya ng LP na maihahalintulad sa mga umaatake sa bahay kapag wala ang may-ari.

Naunang sinabi ni dating Senador Ernesto Maceda na wala pang desisyon ang Court of Appeals sa kaso kaya walang basehan para i-padlock ang opisina ng gobernadora.

Sa panig naman ni San Juan Rep.JV Ejercito, kumpiyansa ang LP na masusungkit ang malaking bilang ng pwesto sa senado subalit kung pag-aaralan aniyang mabuti ay mas marami pang kandidato ang UNA na ngayon ay nakauungos na sa survey.

Ito ay dahil ang gusto aniya ng mamamayan ay isang independent senate para sa susunod na Kongreso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply