Lumang CF cards pwedeng gamitin sa 2013 polls – SC

supreme-court-of-the-philippines

MAAARI pang gamitin ng Commission on Elections ang mga Compact Flash (CF) card mula sa Smartmatic-TIM para sa darating na May 13 midterm elections.

Ito ay matapos na hindi magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa pagpapatuloy ng kontrata sa CF cards.

Sa 1 pahinang resolusyon ng Supreme Court en banc ay inatasan nito ang Comelec at Smartmatic-TIM na maghain ng komento sa loob ng limang araw.

Sa kanilang petisyon, una nang iginiit ng LDLA Marketing na pigilin ng SC ang pag-award ng kontrata ng CF Cards sa Smartmatic at sa halip ay atasan ng korte ang Comelec na sa kanila i-award ang kontrata.

Sa petisyon ay kinuwestyon ng LDLA kung bakit ang Smartmatic-TIM ang kinuhang supplier ng CF cards na gagamitin sa halalan gayong mas mataas ang bid nito na P50.9 milyon kaysa sa kanila na P33.5 milyon lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply