Mababang voters’ turnout itinanggi

mock-election

MARIING pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga akusasyong nagkulang sila sa pagbibigay ng impormasyon sa mga tao hinggil sa idinaos na mock elections sa ilang lugar sa bansa nitong Sabado, na naging sanhi nang pagkakaroon nito ng mababang voters’ turnout.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dalawang araw pa bago ang mock elections ay inimpormahan na nila ang mga tao hinggil dito.

Naniniwala si Jimenez na dahil hindi naman tunay na eleksiyon ang magaganap kung kaya’t hindi nagpakita ng interes dito ang publiko.

Tiniyak rin niya na bukas ang kanilang pinto sa isa pang mock polls sakaling kailanganin ito.

Kaugnay nito, ang international superstar na si Jennifer Lopez ang nanguna sa mock senatorial elections na idinaos ng Comelec sa University of the Philippines Integrated School.

Gumamit ang Comelec ng pangalan ng mga international celebrities bilang mga kandidato sa senatorial elections sa naturang dry run ng halalan.

Bukod kay JLo na nakakuha ng 77 boto, pasok rin sa magic 12 sina Cameron Diaz (68 boto), Frank Allison (61 boto), Neil Armstrong (61 boto), Michael Jackson (58 boto), Tom Cruise (54 boto), Michael Buble (50 boto), Mariah Carey (49 boto), Sylvester Stallone (48 boto), David Pomeranz (47 boto), Jodie Foster (44 boto), at Norma Macmillan (44 boto).

Ang resulta ng mock elections ay ipinaskil sa labas ng mga presinto matapos ang dry run.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply