Habang nagpapahinga sa taxi, mag-asawa pinagbabaril sa Caloocan

crime9

SUGATAN ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga suspek habang nagpapahinga sa dalang taxi sa Caloocan City Sabado ng hapon, Pebrero 2.

Ginagamot sa Orthopedic Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang hita si Delia Mangaring, 44, ng Commonwealth, Quezon City.

Sa Commonwealth Hospital naman ginagamot sanhi ng tama ng bala sa magkabilang hita si Exequiel Mangaring, 44, ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-5 ng hapon, nagpapahinga sa loob ng taxi ang mga biktima sa Phase 7, Bagong Silang ng lungsod kasama ang mga kalugar na sina alyas Annie at Michael nang sumulpot ang mga suspek at pababain ang mga sakay ng taxi.

Pinahilera ang mga sakay ng taxi bago pinutukan ang mag-asawa kung saan nagawang makapuga nina Annie at Michael.

Nagawang magmakaawa ang mag-asawa na pinagbigyan naman ng mga suspek.

Lumalabas na inarkila ang mag-asawa nina Annie upang pumunta sa Phase 12 dahil sa ilegal na droga.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga suspek at inaalam na rin kung may kaugnayan sa droga ang motibo sa pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply