Mag-utol pinagtataga sa kasalan, kritikal

emergency-2

KRITIKAL sa pagamutan ang isang magkapatid matapos pagsasaksakin at pagtatagain ng apat na kalalakihan habang nakikisaya sa kasalan ng mga kaanak sa Caloocan City, Huwebes ng gabi (Enero 31).

Ginagamot sa Tala Hospital si Robert Tinoy, 18 ng Sapang Alat, Pangarap Village ng lungsod, sanhi ng mga taga sa katawan.

Habang sa East Avenue Medical Center naman ginagamot si Ronnie Tinoy, 27, ng nasabing lugar, sanhi rin ng mga taga at saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na sina Nelson Norba, 21; Ryan Gapasinao, 27; Toto Lacroa at Dodoy Galinero, pawang ng Batac St., Banker’s Village ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, nakikipag-inuman ang mag-utol sa kasal ng kanilang kaanak na si Mark Anthony Tinoy at Jessa Lacroa nang lapitan ng mga suspek na may dalang mga bolo at mga tubong bakal.

Biglang pinagpapalo, pinagtataga at pinagsasaksak ng mga suspek ang magkapatid.

Agad na tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang mga biktima sa Tala Hospital. Inilipat sa EAMC si Ronnie dahil sa tinamong grabeng pinsala.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply