Magniniyog: Coco levy funds, ibalik

coconut-farmers-national

SUMUGOD ang mga magsasaka sa niyugan sa National Anti-poverty Commission (NAPC), sa lungsod Quezon upang pigilan ang paggamit ng mga pondo mula sa coco levy funds.

Ayon kay Nestor Villanueva, CLAIM-Southern Tagalog regional coordinator, “Walang karapatan si Noynoy Aquino at anumang ahensya niya na gamitin ang coco levy funds sa ano mang programa nila o sa ano pa mang kadahilanan. Ang coco levy funds ay pera ng mga magniniyog kaya ang mga magniniyog lamang ang may solong karapatan na magdesisyon kung ano man ang gagawin dito.”

Sinabi ni Villanueva na hindi panatag ang mga magniniyog na ang pera nila ay nasa kamay ng Hacienderong Pangulo.

Matatandaan na ang pondo ng coco levy ay sapilitang kinuha sa mga magniniyog. Kaya hindi tayo umaasa na mababawi natin ang coco levy funds sa pamamagitan lamang ng pakiusap kundi sa pamamagitan ng paggigiit ng ating mga karapatan.

Ayon sa grupong Claims (Coco Levy Funds Ibalik sa Amin) hindi umano nila papayagan na makipagkompromiso sa gubyernong Aquino dahil tiyak na katulad ng pakikipagkompromiso ng gobyerno ni Arroyo kay Danding Cojuangco sa shares ng San Miguel Corporation (SMC), malaki ang magiging disbentahe nito para sa mga magniniyog.

Ang P113B na halaga ng shares sa SMC ay napaliit pa sa P70B, kaya hindi lamang pondo kundi pati lahat ng ari-arian, negosyo at bangko na pinaglagakan ng coco levy funds ay babawiin sa ngalan ng 3.5M magniniyog sa bansa, sabi ng g rupo.

“Malinaw din sa amin na nakahanda ang hacienderong pangulo na likhain ang lahat ng balakid sa binabagtas na daan ng mga magniniyog. Nakahanda ang lahat ng coco levy funds claimants at beneficiaries na bagtasin ang daan na ito, ito man ay maliubak at liku-liko,” sabi ng grupo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply