Magtatay niratrat sa loob ng bahay, todas

PATAY ang isang mag-ama matapos barilin ng hindi nakilalang mga suspek sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Macasihi, Brgy. Camagong, Nasipit,  Agusan del Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Emilio Alduhueza, 48, at Adonis, 23.

Nabatid na natutulog ang mga biktima dakong alas-10:30 ng gabi nang pasukin ng apat na mga armadong lalaki saka pinagbabaril.

Iniimbestigahan na ang nasabing pangyayari kung saan isa sa mga anggulong tinututukan ay personal grudge.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply