Malakanyang ‘di takot sa Chinese Navy fleet

abigail-valte1

HINDI natatakot ang Malakanyang kung pumasok man ang Chinese Navy Fleet sa West Philippine Sea para magsagawa ng naval exercises.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na sa impormasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay sa international waters gagawin ang aktibidad ng Chinese navy at hindi sa loob ng karagatang sakop ng Pilipinas.

Malinaw, aniya, ang natanggap na report na gagawin ng Chinese Navy ang exercise sa isa sa mga international sea routes kaya walang magiging problema rito ang Pilipinas.

Para sa Malakanyang, haka-haka lang ang paniwala ng ilang grupo na posibleng simula ito ng pang-iinis ng China sa Pilipinas dahil sa aksyon ng gobyerno na iakyat sa UN tribunal ang territorial dispute sa isyu ng West Philippine Sea.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply