Mar dudulog sa CHR hinggil sa kinuyog na pulis sa NAPC

NAKATAKDANG dumulog si Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II sa Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa pagkuyog ng mga militante sa isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) sa National Anti-Poverty Commission (NAPC), kahapon.

Ang pagkuyog ay naganap makaraang pigilan ng pulisya ang ginawang paglusob ng mga militanteng grupo sa tanggapan ng NAPC.

Ayon sa kalihim, inaalam na ng kanyang tanggapan kung ano ang maaaring ikaso laban sa mga militante na nasangkot sa kaguluhan kahapon.

Ani Roxas, mahalagang mabigyang puna ng CHR ang nasabing insidente at huwag balewalain lalo na at may karapatang pantao din ang mga pulis.

Pinapurihan naman ng kalihim ang nakuyog na opisyal ng QCPD na si Supt. Pedro Sanchez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply